Monday, December 27, 2010

WALANG HANGGANG SASAMBAHIN

WALANG HANGGANG SASAMBAHIN

Nais kong Ika'y maranasan
Pagkilos Mo'y aking inaasam
Pagka't Sa'yo ko lang natagpuan
Ang tunay na kagalakan

Nais kong Ika'y maranasan
Tibok ng puso ko'y Ikaw lamang
Kaya't ngayon, bukas at kailanman
Pagsamba ko'y iaalay

Walang hanggan Kitang pupurihin
Walang hanggang sasambahin
Buong laman ng puso kong ito
Ay mamalagi sa Iyo

BUONG PUSO

BUONG PUSO

Buong puso
Buong isip
Buong lakas
Iaalay sa ‘Yo

Aking awit
At ang tinig
Magpupuri sa dakilang
ngalan Mo


Aking Diyos buhay ay alay ko
Banal at kalugod lugod sa ‘Yo
Pagka’t walang magagawa kung hiwalay sa Iyo
Ang mithiin ng aking puso
Manatili sa kalooban mo
O Hesus
O Hesus
Sambahin ang ngalan Mo

NAG-UUMAPAW SA GALAK

NAG-UUMAPAW SA GALAK

Ako’y naririto ngayo’y naghihintay
Inaasam asam presensya Mo’y muling maranasan
Ako’y naririto ngayo’y nanabik
Nananabik na makita luwalhati ng Iyong mukha

Sumasayaw na nga
Sa galak tumatawa
Nanabik na makita
Muli Mong pagbisita
Panginoong Jesus malayang Malaya Ka
Baguhin MO ang buhay ko
Ito’y Iyong Iyo

KATULAD NG MGA AGILA

Katulad ng mga agila
Tayo ay lilipad
Di mapapagod ating mga pakpak
Tayo’y magdadala ng buhay at sigla
Sa mga anak ng Diyos na nanghihina

Halika na, Humayo na
Ipahayag tagumpay Nya
Halika na, at magdala
Kalakasan sa presensya Nya

Ito ang panahon di na uso ang magbackslide
Ito ang panahon ng pagbabalik loob sa Kanya
Sama sama na
Mag-apoy sa ngalan Nya
Ang gawa ng diyablo ay tupukin na

KATULAD NG MGA AGILA

Katulad ng mga agila
Tayo ay lilipad
Di mapapagod ating mga pakpak
Tayo’y magdadala ng buhay at sigla
Sa mga anak ng Diyos na nanghihina

Halika na, Humayo na
Ipahayag tagumpay Nya
Halika na, at magdala
Kalakasan sa presensya Nya

Ito ang panahon di na uso ang magbackslide
Ito ang panahon ng pagbabalik loob sa Kanya
Sama sama na
Mag-apoy sa ngalan Nya
Ang gawa ng diyablo ay tupukin na

BABAD SA PRESENSYA MO

BABAD SA PRESENSYA MO

Kay sarap-sarap pa rin sa ‘Yo o Panginoon
Ang mga pagpapala mo’y lubos- lubos
Minsan ang ating kaaway
Pilit na tinatangay ang damdamin
At sa ating pagpupuri
Ako’y lubos na nagtagumpay
Ang kailangan lang ay….

Babad, sa presensya Mo
Babad, sa Iyong salita
Babad, ang sikreto ko kung bakit ako masaya
Babad, sa presensya Mo
Babad, sa Iyong salita
Tulad ng isang usa na laging uhaw sa ‘Yo